I am overemployed, pero ano nga bang meaning nito? In this post, ikekwento ko sa inyo kung paano ako naging overemployed since 2022.

Overemployment then vs. now

The meaning of overemployment has changed.

Sa isang article sa Arab News published in 2007, ito ang meaning ng overmployment:

“A state where workers work more than eight hours a day hoping to add more to their take-home pay. Overemployed workers worked excessively per week in their primary job exceeding the 48 hour usual work time – for additional earnings.”

Gloria Esguerra Melencio, Arab News

But now, overemployed means working two full time jobs or more, without working the full 16 hours a day. The goal? Earn extra income, achieve financial freedom and improved mental health, and be a little more resilient from layoffs.

Base sa mga endless discussions sa overemployment subreddit at discord servers na sinalihan ko, ang overemployment daw ay iba sa overworked. Kapag ang isang trabaho mo ay 8am to 5pm, tapos ang isa mo pang trabaho ay 6pm to 2am, hindi ka overemployed, overworked ka. 

Ako naman, basta may nakukuha akong dalawang set ng sahod buwan buwan, masaya na ako. 

My Overemployment Journey

Noong November 2021, I just landed my first 6-digit salary sa isang multinational company. Doon namulat ang mga mata ko na kaya ko pala talagang magkaron ng 6-digit salary, so why stop there? If I can earn more, why not?

Matagal ko nang hobby ang pagtingin ng mga job openings sa Jobstreet, LinkedIn, at Indeed during my free time. It gives me insights sa opportunities, direction ng companies, and the job market in general. Apply lang ako ng apply kahit masaya ako sa trabaho ko. Nag apply ako sa isang ad sa Jobstreet, at yun na simula ng aking overemployment.

It was March 2022, and the company was a small company in a different country. During the interview, nalaman ko na independent contractor pala ang arrangement. This means ibibigay nila sa’kin ng buo ang salary ko every month, ako na ang bahala sa pagbabayad ng tax ko. Hindi nila babayaran ang mga government-mandated benefits ko dahil hindi sila registered company dito sa Philippines. 

The salary was big enough that I can let go of those benefits.

Tinanggap ko ang offer, at nagresign na ako sa aking current job. Nag abot sila ng kaunti kasi 60 days ang nirender ko sa current job ko. Nag overlap silang dalawa ng 2 months. Tawagin nating J1 (Job 1) ang aking new job.

Job 2

Tuloy tuloy pa rin ako ng pag-aapply. I figured that I will have more options this time kasi pwede na akong kumuha ng regular job with a company na registered dito sa Philippines dahil independent contractor naman ang J1 ko.

April 2022, nagsimula ako sa multiple rounds of interview sa aking magiging J2. Natanggap ako at nagsimula ako sa kanila ng June 2022. Tuwang tuwa ako dahil may magfafile na ng taxes ko at magbibigay sakin ng government-mandated benefits. In the eyes of the government, hindi na ako unemployed! 

J2 is the chillest job of all my Js.

Job 3

Hindi ako tumigil sa pag-aapply. Hindi ako nag-eexpect noon na makakakuha pa ako ng isang role. 

July 2022, natanggap ako sa isang part-time contractor role. Tulad ng J1, hindi rin sila registered company sa Philippines at wala akong benefits. Pero grabe, napakarami kong natutunan sa company na ‘to.

Napakalaking tulong ng tatlong jobs ko. I had the confidence to stand up for my opinions, nabawasan ang takot, anxiety, and impostor syndrome ko dahil hindi ako natatakot na mawalan ng jobs. Dahil sa confidence na ‘to, mas nirespeto ako ng mga boss at peers ko. Napakarami ko ring natutunan at nakuhang new experiences sa iba-ibang industry. 

May mga nagsabi sa akin sa reddit na dinadaya ko raw yung mga companies na pinagtatrabahuhan ko. Hindi ko sila dinadaya dahil nadedeliver ko ang mga results na hinahanap nila sa’kin ng walang palya. Efficient akong magtrabaho kaya masaya ang mga bosses ko sa aking performance.

2022, you were definitely a huge blessing! 

One thought on “Overemployed in the Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Next Post

How I handled 3 jobs at the same time + Salary Reveal

Sun Apr 21 , 2024
Sa previous post ko, I shared my overemployment journey. Sa unang sabak ko sa pagiging overemployed, nilakasan ko lang ang loob ko sa pagtanggap ng […]